Lamikmik

Hindi mo alam kung matutuwa o matatakot ka sa kapaligirang binalot na ng katahimikan. Ang dating siyudad na puno ng ingay, tawanan, busina ng mga sasakyan at hagikgik ng mga estudyanteng kung hindi man pauwi na ay nagkayayaan pa ay tila isang usok na unti-unting naglalaho sa kawalan. Katahimikan na alam mong may mali, alam mong hindi kapayapaan ang taglay bagkus naghahatid ng kilabot sa bawat taong makakasaksi. Panganib ay nagbabadya at ito ay batid ng bawat isa na kung hindi mag-iingat ay maaring kapahamakan ang siyang sasapitin.

Parusa ba ito? Ito na ba ang kabayaran ng ating kapalaluhan? Hindi, hindi ito ang mga tanong na mamumutawi sa labi kundi ang mga salitang “Bigyan Mo pa kami ng kalakasan, ng katalinuhan upang mahanap ang sagot sa problemang ito” sapagkat walang pwedeng sisihin, hindi pwedeng magturuan dahil sa kabila ng lahat ng ito ang pag-ibig Mo ang siyang magiging lundayan ng pag-asa, ang mga salita Mo ang magsisilbing gabay sa mga naliligaw.

1 thought on “Lamikmik”

  1. Marites De Guia

    Sa mga ganitong panahon pangit man o maganda ang Diyos ay May mabuting ginagawa sa bawat buhay ng kanyang mananampalataya…at sa mga wala pa, ito ang panahon upang saliksikin ang mga puwang sa mga puso ng bawat isa.
    Ang Diyos ang May akda sa bawat yugto ng buhay natin. Ang Diyos ay mabuti at mapagmahal sa bawat nilalang nya. Purihin sya!๐Ÿ™๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top